Thailand, hiniling sa Red Cross na tulungan silang mapakawalan ang walong Thai hostage ng Hamas

Thailand, hiniling sa Red Cross na tulungan silang mapakawalan ang walong Thai hostage ng Hamas

NAKIPAGKITA si Thai Foreign Minister Parnpree Bahiddha-Nukara sa International Committee of the Red Cross noong Martes para hingin ang tulong nito upang mapakawalan na ang walong Thai na hanggang ngayon ay hawak pa rin ng grupong Hamas.

Nakipag-usap si Parnpree sa ICRC pres. na si Mirjana Spoljaric Egger sa sidelines ng World Economic Forum 2024 sa Davos, Switzerland.

Suportado ng dalawa ang panawagang ceasefire sa pagitan ng Israel at Hamas upang maihatid ang humanitarian aid sa Gaza Strip.

Hiniling ni Parnpree sa ICRC president na makipag-negosasyon ito sa Hamas upang masiguro ang pagpapakawala ng walong Thai hostages sa lalong madaling panahon.

Sa kabuuan ay 31 Thai workers ang naging hostage ng Hamas nang atakihin nila ang Israeli border noong Oktubre 7 ng nakaraang taon.

Pinakawalan ng grupo ang 23 Thai hostages noong nagkaroon ng temporaryong tigil-digmaan noong Nobyembre 24.

Samantala, sa usapin ng bilateral na relasyon, sinabi ni Parnpree kay Egger na papayagan ng Thailand ang ICRC na magbukas ng regional office sa Thailand upang makapagpaabot ng humanitarian aid sa mga kalapit bansa lalo na sa Myanmar.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble