Thailand, posibleng ibabalik ang polisiya na naglilimita sa land ownership ng mga dayuhan

Thailand, posibleng ibabalik ang polisiya na naglilimita sa land ownership ng mga dayuhan

PLANO ng Thailand na ibalik ang polisiya na maglilimita sa land ownership ng mayayamang dayuhan.

Sa pagsisimula ng taon, inanunsyo ng gobyerno ang plano nitong mag-attract ng maraming investors mula sa ibang bansa na papayag sa mga dayuhan na mag-ari ng 1 rai ng lupa o 0.16 hectares kung mag-iinvest ito ng aabot sa 40 milyong baht sa securities at bonds sa loob ng 3 taon.

Ayon sa mga kritiko, ang halaga ng investment na ito ay napakaliit at ang polisiya ay maaaring magpababa sa presyo ng mga pag-aari sa bansa.

Samantala, ayon kay Interior Minister Anuping Paochina, ang isyu na ito ay isang delikadong bahay at kinakailangan pang suriin ang advantage at disadvantages nito.

Matatandaan na nagsimula na ang Thailand sa pag-akit ng mas maraming foreign investment gaya ng long term visa schemes at income tax breaks para sa high potential foreigners at skilled professionals.

Ang ikalawang pinaka malaking ekonomiya sa South East Asia ay ang Thailand at inaasahan na lalago sa 3.3 percent ang ekonomiya nito ngayong taon.

Follow SMNI NEWS in Twitter