POSIBLENG maapektuhan ang Thailand ng dalawang bagyo.
Nagpahayag ang Chief of the hydro informatics institute na kahit hindi tatama ang dalawang bagyo sa Thailand mula sa west pacific posible paring maranasan nito ang malakas na pag ulan.
Ayon kay Suthat Weesakul, Director of the Hii under the Ministry of Higher Education, Science, Research and Innovation, asahan ang pag-ulan sa upper northeast at upper north ng Thailand.
Dagdag pa ni Suthat gagalaw ang bagyo sa Oktubre 11 at 13 na siyang magdadala ng malakas na pag-ulan na posibleng magdulot rin ng pagbaha.
Samantala, asahan naman na ang malakas na pag ulan ay mararanasan rin sa Ranong, Phangna at Phuket sa tatlong araw.