TikTok, gagamitin na sa promosyon ng mga produkto ng small-scale sellers

TikTok, gagamitin na sa promosyon ng mga produkto ng small-scale sellers

GAGAMITIN na sa pagpro-promote ng mga produkto ng small-scale sellers ang social media platform na TikTok.

Kasunod ito sa kasunduang nabuo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. at TikTok CEO Shou Zi Chew dahil sa popularidad ng platform na lubos na makatutulong sa mga negosyante.

Tiniyak naman ng TikTok CEO na may guidelines na ipatutupad para maging ligtas ang platform para sa small-scale sellers.

Sinabi na ni Chew na nakipag-partner din ito sa ibang Southeast Asian countries gaya ng Vietnam, Indonesia, at Malaysia para sa kaparehong layunin.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble

 

;