Timor-Leste, ika-11 full member na ng AIPA

Timor-Leste, ika-11 full member na ng AIPA

Pormal nang tinanggap ang Timor-Leste bilang ika-11 full member ng AIPA matapos ang 13 taong paghihintay mula nang maging observer ito sa ASEAN Inter-Parliamentary Assembly.

Sa acceptance speech ni National Parliament President Maria Fernanda Lay, binanggit nito ang katagang “In memory of the past, I enter the future” ni Philippine national hero Jose Rizal.

Ayon kay Lay, mahalagang maramdaman ng mga mamamayan ang tunay na benepisyo ng pagiging miyembro ng AIPA at hindi lamang ito manatiling simbolikong pagkilala.

Malugod namang tinanggap ni House Speaker at AIPA President Faustino “Bojie” Dy III ang Timor-Leste, isang taon matapos itong maging ika-11 miyembro ng ASEAN.

Pormal na isinagawa ang paglagda sa instrument of accession at simbolikong paglilipat ng watawat ng Timor-Leste mula sa observer section patungo sa hanay ng mga full member.

Kasabay nito, binigyan ng puwesto si Lay sa head table bilang pagkilala sa pantay na katayuan ng kanilang parliament sa iba pang miyembro ng AIPA.

Follow SMNI NEWS in Twitter