Aprubado na ng bicameral conference committee ang panukalang National Children’s Nutrition Act, na magtatakda ng libreng feeding program para sa mga batang Pilipino.
Sa ilalim ng panukala, magkakaroon ng universal feeding program para sa mga public school students mula Kindergarten hanggang Grade 3, anuman ang kanilang nutritional status.
Samantala, bibigyan naman ng targeted feeding program ang mga undernourished na mag-aaral mula Grade 4 hanggang Grade 6.
Pinalalawak din nito ang nutrition assistance para sa mga bata, buntis na adolescent learners, at iba pang vulnerable groups.
Kasama rin sa programa ang direktang pagbili ng mga pagkain mula sa local farmers at fisherfolk upang masuportahan ang kanilang kabuhayan.
