PNP: 49th ASEAN Summit, generally peaceful sa kabila ng arrests

PNP: 49th ASEAN Summit, generally peaceful sa kabila ng arrests

Itinuring ng Philippine National Police (PNP) na generally peaceful ang 49th ASEAN Summit at mga kaugnay na pagpupulong sa bansa, sa kabila ng ilang insidente at pag-aresto sa mga raliyista.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief PBGen. Allen Rae Co, nasa 225 protesters ang inaresto sa Maynila at Muntinlupa dahil sa umano’y paglabag sa batas, kabilang ang pagsasagawa ng protesta nang walang permit.

Sinabi ni Co na naisampa na ang mga reklamo laban sa mga inaresto at nasa kamay na ng prosecutors ang pagpapasya kung kakasuhan sila o palalayain.

Follow SMNI NEWS in Twitter