OFW remittances sa 2026, inaasahang tataas pa—DMW

OFW remittances sa 2026, inaasahang tataas pa—DMW

Inaasahang tataas pa ang OFW remittances sa 2026 at lalampas sa naitalang halaga noong nakaraang taon, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW).

Ayon kay DMW Secretary Hans Leo Cacdac, patuloy na nagsisikap ang mga OFW na magpadala ng pera sa kanilang pamilya kahit may economic uncertainties at krisis sa iba’t ibang bansa.

Noong 2025, umabot sa tinatayang 40 billion US dollars ang personal remittances, mas mataas ng 3.3 percent kumpara noong 2024.

Para naman sa 2026, inaasahang lalago pa ang remittances ng nasa 2.2 hanggang 2.4 percent.

Binigyang-diin ni Cacdac na malaking tulong ang padala ng mga OFW sa pang-araw-araw na pangangailangan ng kanilang pamilya at sa ekonomiya ng bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter