Torres-Gomez, umaapela sa Senado kaugnay sa Department of Disaster Resilience

Torres-Gomez, umaapela sa Senado kaugnay sa Department of Disaster Resilience

UMAAPELA ngayon si Leyte 4th District Representative at House Committee on Disaster Resilience Chairman Lucy Torres-Gomez sa Senado na talakayin na ang panukalang pagtatayo ng Department of Disaster Resilience.

Sa panayam ng SMNI News kay Rep. Lucy Torres-Gomez, mas mainam na maipasa na agad aniya ito dahil ang naturang ipinanukalang ahensya ay makakatulong para makahanda ang bansa sa mga sakuna.

Sa ngayon ani Torres- Gomez, hiwa-hiwalay ang mga ahensya na magreresponde sa isang sakuna dahilan kung bakit kulang sa accountability ang isang ahensya hinggil dito.

“Every time na may disaster kailangan pang mag-coordination among agencies so maraming nasasayang na oras. There’s a lack of accountability kasi every agency has its own boss,” pahayag ng kongresista.

Nagiging dahilan rin aniya ito ng pagsasayang ng resources dahil kulang ang koordinasyon.

“Ang nagiging cause of delay, nagiging cause ng pagsasayang ng resources is when there is lack of coordination which always happens,” ayon pa kay Gomez-Torres.

Dagdag pa nito, kung mayroong isang department na nakatutok para dito, hindi na palaging bubuo ng task force ang bansa sakaling may sakuna dahil pinag-isa na ang lahat ng existing na ahensya at mas mabilis na ang pagresponde.

“If it is housed under one agency with its own secretary, the reporting lines are clear… If it means better services, a more efficient, a more streamlined department then it’s a win,” dagdag ng kongresista.

(BASAHIN: Pagtatayo ng Department of Disaster Resilience, muling ipinanawagan sa Senado)

SMNI NEWS