Toyota Motors, nag-donate ng 35 brand new vehicles sa Office of the President

Toyota Motors, nag-donate ng 35 brand new vehicles sa Office of the President

NAG-donate ang Toyota Motor Corporation Philippines ng 35 brand new vehicles sa Office of the President.

Nakiisa si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa pagdiriwang ng ika-35 anibersaryo ng Toyota Motors Philippines Corporation (TMP) sa Toyota Special Economic Zone sa Santa Rosa City, Laguna nitong hapon ng Martes, Agosto 22, 2023.

Kasabay rin ng paggunita ng ika-35 taon ng pakikipagtulungan sa gobyerno ng Pilipinas, ang Toyota Motors ay nag-donate ng 35 Toyota vehicles sa Office of the President.

Ito ay bilang pagpapahayag ng pasasalamat sa gobyerno sa gitna ng patuloy na pakikipagtulungan at pangako sa pagpapasigla ng local automotive manufacturing industry.

Personal na iniabot ni Toyota Motor Corporation (TMC) Chairman Akio Toyoda ang mga susi ng 35 iba’t ibang sasakyan ng Toyota kay Pangulong Marcos.

Kabilang sa donasyon ang 10 units ng Hi Ace Ambulance, 5 units of Lite Ace Pickup MT, 5 units of Innova, 5 units of VIOS, 3 units ng Yaris Cross, 5 Lite Ace Cargo MT, at 2 units ng Coaster, customized para sa Lab For All program ng Office of the First Lady.

PBBM, kinilala ang ambag ng Toyota Motors Corporation sa Philippine development

Sa kaniyang mensahe, kinilala naman ni Pangulong Marcos ang kontribusyon na dala ng Toyota Motors Philippines Corporation (TMP) sa bansa.

Binigyang diin ng Pangulo ang kahalagahan ng partnership ng pamahalaan at ng Toyota pagdating sa pag-unlad sa Pilipinas lalo na sa ekonomiya ng bansa.

“We are always seeing Toyota as being an important partner in everything, in our development in the Philippines, and now especially in these difficult times, these are the partnerships that I am certain would be of benefit not only to the Philippines, but even for our partners in Japan,” saad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.

Mula nang palawakin ang mga operasyon nito sa pagmamanupaktura sa Pilipinas noong 1988, malaki ang naiambag ng Toyota Motors Philippines Corporation (TMP) sa ekonomiya ng bansa, partikular sa pagpapaunlad ng automotive industry.

Ang Toyota Motors Philippines at ang Toyota Group ay namuhunan ng P73.7-B mula pa noong 2000, nagbayad ng duties and taxes na P448-B at nag-export ng US$18.76-B halaga ng mga piyesa at bahagi ng sasakyan mula noong 1997.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble