Traffic re-routing ipatutupad ngayong araw sa kahabaan ng Commonwealth Ave.

Traffic re-routing ipatutupad ngayong araw sa kahabaan ng Commonwealth Ave.

MAGPAPATUPAD ng traffic re-routing plan ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) katuwang ang Task Force SONA 2024, Philippine National Police, Quezon City Police District, Presidential Security Group at QC Transport and Traffic Management para sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa Lunes, Hulyo 22, 2024.

Ipatutupad rin ang zipper lane o counterflow sa Commonwealth Avenue (southbound portion) para bigyang-daan ang mga sasakyan ng mga opisyal ng gobyerno at mga bisitang papunta sa Batasang Pambansa Complex.

Samantala, isasara sa mga pampublikong sasakyan ang Batasan-IBP Road simula 8:00AM ng Hulyo 22 bilang bahagi ng mga hakbang sa seguridad para sa ikatlong SONA ng pangulo.

Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga sumusunod na alternatibong ruta dahil sa inaasahang mabigat na daloy ng trapiko sa Commonwealth Avenue at sa paligid ng Batasang Pambansa Complex.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble