Training ng mga guro para sa roll-out ng K-10 MATATAG Curriculum, sisimulan na

Training ng mga guro para sa roll-out ng K-10 MATATAG Curriculum, sisimulan na

SISIMULAN na ngayong linggo ng Department of Education (DepEd) ang training ng mga guro para sa pagsisimula ng revised K-10 MATATAG Curriculum ng Academic Year 2024-2025.

Ayon kay DepEd Asec. Francis Bringas, saklaw sa training ang mga guro sa kindergarten maging ang mga mag-aaral sa Grade 1, Grade 4 at Grade 7.

Layunin ng MATATAG Curriculum ang maluwagan ang mga kabataan sa kanilang pag-aaral kumpara sa kasalukuyang K-12 program.

Naniniwala ang DepEd na makatutulong ito upang mas maging competent ang mga mag-aaral lalo na’t nagpapatupad rin ang ahensiya ng “Catch-up Fridays”, isang learning mechanism na layuning magpapatatag ng foundational, social, at ibang skills ng mga kabataan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble