Trina Guytingco ng Gilas Pilipinas Women, umaasa na makakasama sa 19th Asian Games

Trina Guytingco ng Gilas Pilipinas Women, umaasa na makakasama sa 19th Asian Games

UMAASA si Trina Guytingco ng Gilas Pilipinas Women na makapaglalaro na siya para sa koponan sa 19th Asian Games na nakatakdang isagawa sa September.

Ito’y dahil kasalukuyan siyang nagpapagaling sa kaniyang minor injuries na natamo mula sa katatapos lang na 32nd Southeast Asian (SEA) Games.

Ayon pa kay Guytingco, bagamat hindi makapaglalaro para sa FIBA Asia Women’s Cup ngayong Hunyo dahil sa kaniyang status bilang naturalized player, gagamitin niya ito para sa kaniyang recovery.

Samantala, sa katatapos lang na SEA Games, second place ang nakuha ng Gilas Pilipinas Women.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter