IPINANAWAGAN ng Maldives na umalis na sa kanilang bansa ang tropang militar ng India.
Hanggang Marso 15 lang ang palugit ng Maldives sa naturang panawagan bilang hudyat sa pagtatapos ng India First Policy sa kanilang bansa.
Sa ngayon ay nasa 80 sundalong Indian pa ang nakadestino sa Maldives para bigyan sila ng suporta gaya ng humanitarian activities at iba pa.
Paliwanag ni Maldives President Mohamed Muizzu, ang presensiya ng India sa kanilang bansa ay isang malaking banta sa kanilang soberanya.
Wala pang reaksiyon ang bansang India hinggil dito.