Tropical Cyclone Wind Signal No. 1, nakataas sa ilang lugar sa N. Luzon dahil sa Bagyong Goring

Tropical Cyclone Wind Signal No. 1, nakataas sa ilang lugar sa N. Luzon dahil sa Bagyong Goring

BAHAGYANG lumakas ang Bagyong Goring habang kumikilos patungo sa timog kanlurang direksiyon.

Muling namataan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang sentro ng bagyo sa layong 220 kilometro silangan timog-silangan ng Basco Batanes.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot ng 75 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 90 kilometro kada oras.

Nakataas na ang babala ng bagyo sa Signal No.1 sa Batanes, silangang bahagi ng Babuyan Island, silangang bahagi ng Mainland Cagayan at hilagang-silangang bahagi ng Isabela.

Inaasahang lalakas pa ang Bagyong Goring at magiging super typhoon category bukas.

Hindi inaalis ng PAGASA ang posibilidad na lumakas pa ito at maging super typhoon.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble