Tulong sa pamilya ng nasawing sundalo sa engkuwentro sa Batangas, tiniyak ng DND

Tulong sa pamilya ng nasawing sundalo sa engkuwentro sa Batangas, tiniyak ng DND

NAGPAABOT ng pakikiramay si Defense Secretary Gilberto Teodoro, Jr. sa pamilya ng nasawing sundalo sa engkuwentro sa Balayan, Batangas kahapon, Disyembre 17, 2023.

Sa isang pahayag, sinabi ni Teodoro na makatatanggap ng kinakailangang tulong ang mga naulila ng sundalo.

Nabatid na isinagawa ng 59th Infantry “Protector” Battalion ng Philippine Army, kasama ang Philippine Navy at Philippine Air Force ang operasyon makaraang makatanggap ng impormasyon na magpupulong ang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) upang muling buhayin ang kanilang grupo sa Batangas.

Nasugatan din sa operasyon ang tatlong sundalo na kasalukuyang nagpapagaling sa ospital.

Nagpasalamat si Teodoro sa katapatan at kabayanihan ng mga sundalo upang ipagtanggol at pangalagaan ang bayan.

Tiniyak ng kalihim na laging nakabantay ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at hindi titigil sa pagsugpo sa lahat ng teroristang grupo na nagdudulot ng kapahamakan sa bansa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble