TINALAKAY ng Estados Unidos at Pilipinas ang ilegal na aksyon ng China sa resupply mission ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Ayungin Shoal nitong weekend.
Ito ay kasunod ng telephone conference nina US Defense Secretary Lloyd Austin III at Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr.
Sinabi ni Pentagon Press Secretary Major General Pat Ryder na pinuri ni Austin ang propesyonalismo ng AFP sa gitna ng ilegal na aksyon ng China sa West Philippine Sea.
Ayon kay Ryder, tiniyak ni Austin na buo ang suporta ng Amerika sa Pilipinas sa pagtatanggol sa sovereign rights alinsunod sa international law.
Nagkasundo rin aniya ang dalawang opisyal na palawakin ang bilateral at multilateral cooperation sa West Philippine Sea kasama ang mga kaalyadong bansa upang maisulong interoperability at modernisasyon ng AFP.
