NAHIHIRAPAN na ang Ukraine na mapanatili ang kanilang presensiya sa Russian territory na Kursk region.
Sa nakalipas na mga araw, palakas nang palakas ang puwersa ng Russia doon kung kaya’t napilitan na ang Ukraine na umatras na ng dahan-dahan.
Matatandaan na Agosto noong nakaraang taon ay sinakop ng Ukraine ang Kursk region ng Russia.
Umaasa ang Kyiv noon na ito na ang panimula para magkaroon sila ng peace talks sa pagitan ng Moscow ngunit hindi pa rin ito nangyayari sa ngayon.