Umano’y big-time drug dealers sa Quezon, tiklo sa buy-bust

Umano’y big-time drug dealers sa Quezon, tiklo sa buy-bust

ARESTADO ang dalawang drug suspects matapos ang buy-bust operation ng pulisya sa Brgy. San Jose, General Luna, Quezon.

Kinilala ni PRO 4A regional director Police Brigadier General Jose Melencio Nartatez ang mga nahuli na sina Melody Palatino Revilloza, alyas Mami na itinuturing na high value individual (HVI) sa drugs watchlist ng Quezon Police at Marie Maaño Baldoviso, alyas Marie.

Nakuha sa kanila ang 100 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng mahigit 2 milyong piso.

Inihahanda na ng pulisya ang reklamong paglabag sa RA 9165  (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Pinuri naman ni Gen. Nartatez ang kanilang mga tauhan sa matagumpay na operasyon laban sa mga suspek na itinuturing na big-time drug dealer sa General Luna, Quezon.

Follow SMNI NEWS in Twitter