KUMITA ng P100-M sa loob lamang ng apat na araw ang reunion movie nina Julia Barretto at Joshua Garcia na ‘Un/Happy for You’.
Inilabas sa mga sinehan ang pelikula noong Agosto 14.
Labis naman ang pasasalamat ng Star Cinema sa patuloy na pagtangkilik ng publiko sa tambalang JoshLia.
Kasama nina Barretto at Garcia sa pelikula sina Nonie Buencamino, Ketchup Eusebio, John Lapus, Kaila Estrada, Aljon Mendoza, at iba pa.
Idinerek naman ito ni Petersen Vargas.
Ang tambalang Joshlia ay sumikat sa kanilang mga naunang proyekto na “Vince and Kath and James”, “Love You to the Stars and Back,” “I Love You, Hater”, at “Block Z.