UN Special Rapporteur Irene Khan, inusisa ang mga kaso ng media killings sa Pilipinas

UN Special Rapporteur Irene Khan, inusisa ang mga kaso ng media killings sa Pilipinas

DALAWANG araw na nakipagpulong sa Department of Justice (DOJ) at Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) si UN Special Rapporteur for Freedom Expression and Opinion Irene Khan.

Sa ikalawang araw ng kanilang pagpupulong, inusisa ni Khan ang sitwasyon ng mga reklamo na hindi umaakyat sa korte mula sa prosekusyon.

Bagay na sinagot naman ng DOJ.

Nabanggit naman ng PTFoMS ang mataas na resolution rate pagdating sa media killings.

Mahigit 50% ng mga kaso ng media killings sa bansa, naresolba na; Datos, ikinagulat ng UN Special Rapporteur

Base sa datos ng PTFoMS, mahigit 50 porsiyento sa mga kaso ng media killing ay naresolba na.

Kabilang na rito ang Ampatuan Case noong 2009.

Ang bagay na ito ay ikinabigla at ikinamangha ni Khan.

Sa kabila rito, nilinaw ng DOJ na hindi lamang ang kaso ng mga napapatay na media practitioners ang tinututukan ng bansa.

Magkakaibang datos ng gobyerno at ilang media groups, dahilan kung bakit nasa Top 10 Global Impunity Index pa rin ang bansa—PTFoMS

Inihayag naman ni PTFoMS Executive Director Usec. Paul Gutierrez na gusto maalis ng gobyerno ang Pilipinas sa Top 10 Global Impunity Index.

Ang nagiging hadlang dito ayon kay Gutierrez ay ang magkakaibang inilalabas ng datos ng gobyerno at iba’t ibang media groups gaya ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) na hindi nakikipag-ugnayan sa kanila.

UN Special Rapporteur Irene Khan, nakipagpulong din sa mga mahistrado

Samantala, bumisita rin sa mga mahistrado si Khan kung saan sumentro ang talakayin sa Anti-Terrorism Act at Judicial Reform.

Binigyan ng Supreme Court si Khan ng kopya ng rules ng nasabing batas at ang naging desisyon ng korte sa mga probisyon nito.

Tinalakay rin sa pulong ang pagdedeklara ng unconstitutional sa dalawang bahagi ng probisyon ng Anti-Terrorism Act.

Sa naging paliwanagan, naintindihan naman ani Khan ang pagkakaiba ng kalayaan sa pamamahayag at isyu ng seguridad.

“We fully appreciate that the special rapporteur understands that there is always a balance between expression and the security. We have also in some of our cases already acknowledge that there may be differences in the regulation of hate speech and also per formative speech from declaratory speech. But of course, we are waiting for the proper case to flesh this out some more, and we are just hoping that the pleadings would be up to our standard so that we can continue to explore this,” ayon kay Senior Associate Justice Leonen.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble