Unang family-oriented TV drama series ng SMNI, mapapanood na simula March 21

Unang family-oriented TV drama series ng SMNI, mapapanood na simula March 21

MAPAPANOOD na sa Pilipinas ang Chinese family-oriented drama series na pasok sa kulturang Pinoy.

Ito ang kauna-unahang TV drama series ng SMNI.

Nagsanib-pwersa ang SMNI at ang Regent Foods Corp. para sa isang TV drama series project na tiyak magugustuhan ng mga Filipino viewers.

Simula March 21 ay mapapanood na sa Pilipinas sa pamamagitan ng  SMNI ang Chinese family-oriented drama series na ‘Papa Nasa’n ka?’

Hango ang istorya sa dalawang magkapatid na bata na hinahanap ang kanilang ama na iniwalay sa kanila.

Tampok din sa serye ang pinagdaanan ng magkapatid mahanap lang ang kanilang ama.

Ayon sa Regent, top rated sa China ang drama series at una itong mapapanood sa Pilipinas dito sa SMNI.

Swak o pasok sa kultura at panlasa ng mga Pinoy ang pinakaunang teleserye na ito ng SMNI.

“Number 1 sa China and throughout some countries in Asia so napag-isipan ni Mr. Ricky See na tayo naman,” saad ni Jimmy Ocampo, Representative, Regent Foods Corp.

Hangad naman ng SMNI makapagbigay ng mga dekalibreng programa na kapupulutan ng aral ng lahat.

Hindi iniisip ang makipag kumpetensiya sa ibang istasyon na Korean novela naman ang ibinibida.

“Never naming inisip ang competition. Ang gusto talaga ni Pastor, ni Pastor Apollo C. Quiboloy yung mandate niya sa amin is to produce excellent shows so hindi namin iniisip that we are competing sa ibang networks. Gusto naming may iba kaming nape-present sa ating mga manonood,” ani Hannah Jane Sancho, SMNI Representative.

Ito na ang ikalawang collab ng SMNI at Regent mula sa una nitong tambalan sa Kingdom Force na isang animated show.

Isang kiddie show na nagtuturo ng mabuting asal sa mga bata.

Ang Papa Nasa’n Ka? ay mapapanood Lunes hanggang Biyernes mula alas 8 hanggang alas 9 ng gabi.

Sabayan din itong mapakikinggan sa lahat ng Sonshine Radio Stations sa buong bansa at sa mga official social media accounts ng SMNI.

Follow SMNI NEWS in Twitter