IPINANAWAGAN ng Department of Migrant Workers (DMW) sa undocumented Overseas Filipino Workers (OFWs) na gawin nang legal ang kanilang status.
Maiiwasan anila dito ang illegal recruitment at human trafficking.
Tinatayang halos 1M na mga OFW ang undocumented ayon kay DMW Sec. Hans Leo Cacdac.
Maliban sa panawagan ay ikinokonsidera ng ahensiya na mas paigtingin pa nila ang kanilang kampanya hinggil dito.