TUTUKAN ng Estados Unidos ang sarili nilang problema sa halip na manghimasok sa Pilipinas.
Ito ang tugon ni Atty. Harry Roque hinggil sa pagbisita ng US Senate Team kay dating Senator Leila de Lima sa PNP Custodial Center sa Camp Crame, Quezon City nitong Disyembre 1.
Ayon sa abogado, walang rason para bumisita ang mga ito sa bansa lalo pa’t gumugulong nang maayos ang justice system ng Pilipinas.
Wala rin naman silang makukuha mula kay De Lima.
Binigyang-diin pa ni Roque na kahit ano ang sabihin ni De Lima, nakulong pa rin ito dahil sa kalakaran ng droga at hindi dahil sa kanyang paniniwala at pananalita.
Ngayon, sinabi ni Roque na mas mainam kung pagtuunan ng pansin ng Estados Unidos ang nangyayaring Asian hate crimes sa kanilang bansa at maging ang mass shootings.