Pondo ng NTF-ELCAC sa 2022, hindi dapat bawasan ayon kay dating Speaker Cayetano

Pondo ng NTF-ELCAC sa 2022, hindi dapat bawasan ayon kay dating Speaker Cayetano

TUTOL si dating House Speaker Alan Peter Cayetano na bawasan ang pondo ng National Task Force Against Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa 2022.

Tinapyasan ng Senate Committee on Finance ang P28-bilyong panukalang budget o pondo ng NTF-ELCAC.

Dahil diyan, P4-bilyong na lamang ang pondong tinira ng senado sa task force.

Ang NTF-ELCAC ang humahawak sa Barangay Development Program (BDP) na pampuno sa mga proyekto sa mga lugar na talamak ang presensya ng CPP-NPA-NDF.

Pero ayon kay Senate Committee on Finance Chairman Sonny Angara, masyadong malaki ang pondo ng task force.

At kailangan aniyang tutukan ang mga programang pangkalusugan kaya babawasan nila ang pondo ng ELCAC.

“Actually naging source namin ‘yun ng funds. Alam mo naman sa budget, kapag nagdadagdag ka sa isang agency, you have to remove from other agencies. So nabawasan yung NTF-ELCAC,”ayon kay Sen. Angara.

Pero kung si dating House Speaker Alan Peter Cayetano ang tatanungin, hindi dapat galawin ang pondo ng task force.

“I would keep it but I would discuss sino dapat mag-implement to take out the other controversies,”ayon kay Rep. Cayetano.

Giit ni Cayetano, maganda ang mga programa ng task force na binuo ng pamahalaan sa laban kontra insurhensya ng gobyerno.

“So ako i totally agree, na hindi dapat bala ang sagot doon sa insurgency. Dapat talaga projects, programs, ayuda etc. Now, should the military and the military network be the one to implement that, tingnan natin yung mga debateng parating diyan. But defenitely hindi dapat itigil yun,”ayon kay Cayetano.

Diin ni Cayetano na kung pipigilan ang mga inisyatibo ng NTF-ELCAC, dapat rin dawng itigil ng mga rebeldeng komunista ang panghahasik ng lagim.

“We have also to remember na yung komunista, meron din silang strategy ha? Pinipigil nila yung development sa ibang rural areas and then e-rerecruit nila yung tao. Sasabihin kita mo kahirapan walang ano dito, sumali kayo sa movement namin. So may ganong nilalabanan ang military so kung sasabihin natin sa NTF-ELCAC na tigilan niyo yung projects diyan we should tell the CPP-NPA tigilan niyo yung style niyo na pipigilan nyo yung development dun. Pagka may kalye dun susunugin niyo yung gamit ng contractor, pagka gagawa ng riles ng tren diyan tatakutin niyo para hindi na dumaan diyan diba? So the reality is magkalaban ang Republic of the Philippines and the CPP-NPA,”saad nito.

SMNI NEWS