Vaccination rollout ng lokal na pamahalaan ng Quezon City, pinaigting pa

Vaccination rollout ng lokal na pamahalaan ng Quezon City, pinaigting pa

PINAIGTING pa ng lokal na pamahalaan ang kanilang vaccination rollout sa Pinyahan Elementary School sa Quezon City sa gitna ng pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Bukas ito para sa 2nd dose at defaulter o iyong mga residenteng hindi nakapunta sa itinakdang iskedyul ng pagbabakuna.

Ngayong araw, nasa 490 katao ang babakunahan gamit ang Sinovac, Astrazeneca at Pfizer vaccine naman para sa mga kabataan.

Maari namang itong madagdagan pa sa oras na dumating na ang higit 80 Moderna vaccine sa lugar.

SMNI NEWS