Pharmaniaga, magbibigay ng Sinovac booster dose sa mga pribadong pamilihan

Pharmaniaga, magbibigay ng Sinovac booster dose sa mga pribadong pamilihan

MAGBIBIGAY ang kumpanya ng Pharmaniaga ng Sinovac booster dose sa mga pribadong pamilihan ng Malaysia.

Inihayag ng Pharmaniaga group managing director na si Datuk Zulkarnain MD Eusope na magbibigay ng Sinovac COVID-19 booster doses sa mga itinalagang pribadong hospital at klinika sa lalong madaling panahon.

Ayon kay Datuk Zulkarnain ang mga bakuna ay magagamit sa mga piling pribadong hospital at klinika bilang opsyon para sa mga indibidwal na ibig tumanggap ng Sinovac booster dose.

Aniya, ang Sinovac booster ay naaprubahan ng COVID-19 immunization task force –booster para sa mga indibidwal na may edad na labingwalong taong gulang  pataas na nakatanggap ng parehong uri ng bakuna at ibibigay sa mga fully vaccinated individual makalipas ang tatlong buwan hanggang sa anim na buwan.

Dagdag pa niya, ligtas ang Sinovac COVID-19 vaccine dahil binuo ito gamit ang inactivated virus na itinatag sa loob ng apatnapung taon at karaniwang ginagamit sa polio, hepatitis A at rabies.

Samantala, umaasa si Datuk Zulkarnain na muling makakabangon ang ekonomiya ng bansa habang patuloy na nakikipaglaban sa pandemya.

SMNI NEWS