Vice President Sara Duterte, binisita ang “The Ruins” sa Negros Occidental

Vice President Sara Duterte, binisita ang “The Ruins” sa Negros Occidental

BINISITA ni Vice President Sara Duterte ang “The Ruins”, na isa sa pinaka-kilalang landmark sa Negros Occidental at dinadayo ng marami.

Ito ay tinatawag din na “The Lacson Mansion” dahil ito ay dating ancestral house na pag-aari ng mag-asawang Lacson na nasunog noong World War ll.

Nag-ikot ang Bise Presidente at kumuha ng mga larawan sa lugar.

Binisita rin nito ang kanilang souvenir shop at namili ng pampasalubong para sa kaniyang pamilya.

Kasama ito sa adhikain ni VP Sara na suportahan ang mga lokal na pangkabuhayan at turismo at tulungan sila sa pagtaguyod ng kanilang lokal na ekonomiya.

Namangha rin ito sa naging kasaysayan ng lugar at kung paano itong naging tanyag na destinasyon sa Negros.

 

Editor’s Note: This article has been sourced from the Inday Sara Duterte Facebook Page.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble