Vietnam, matagal nang nagsasagawa ng dredging operations sa ilang bahura sa WPS—PH Navy official

Vietnam, matagal nang nagsasagawa ng dredging operations sa ilang bahura sa WPS—PH Navy official

MAYROONG pitong claimant countries sa South China Sea na kinabibilangan ng Pilipinas.

Kasama rin dito ang Vietnam at nasa 22 features na ang kanilang kini-claim at nire-occupy.

Ito ang ibinahagi ni Philippine Navy spokesperson for the West Philippine Sea (WPS) Commodore Roy Vincent Trinidad.

Una nang inihayag ni Trinidad na matagal nang nagsasagawa ng dredging operations ang Vietnam sa ilang mga bahura sa WPS.

“All claimant countries, kasama tayo doon, have been developing our features. Ang Vietnam, matagal na silang nagdevelop; they have also militarized their own features.

“They have their featuresactually, one of the features ay malapit lang saI think it is Pugad o sa Parola natin, one of our features, magkalapit langmga three or five nautical milesna kapag nagriresupply tayo doon ay nagkakamayan pa tayo sa mga Vietnamese,” pahayag ni Commodore Roy Vincent Trinidad, Phil Navy, Spokesperson for the WPS.

At bagama’t niri-report ito ng kaukulang ahensiya ng gobyerno at inihahain ang nararapat na protesta, ay wala aniyang masyadong girian ang Pilipinas sa Vietnam.

Ito’y sapagka’t mayroon aniyang friendly relations ang dalawang bansa.

“Hindi nila tayo inaapi; walang water cannon from Vietnam; we have good relations with them. They developed their features; we developed our features,” dagdag ni Trinidad.

Ipinahayag ni Trinidad na binabantayan ng Philippine Navy ang umano’y isinasagawang paghuhukay ng mga tropa ng Vietnam sa WPS.

Base sa datos ng Philippine Navy, tinatayang 280 ektarya na ang na-reclaim ng Vietnam sa kanilang inaangkin na teritoryo sa South China Sea.

Kasabay pa ang patuloy na pagpapalawak nito sa ilang bahura malapit sa kanilang bansa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble