NILINAW ni House Minority Leader at 4Ps Party List Rep. Marcelino Libanan na itinalaga bilang Special Assistant to the Speaker ang pinakabatang anak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. na si Vinny Marcos.
Ito ang tugon ng mambabatas kasunod sa napaulat na pagpupulong nila kamakailan kasama si Vinny.
Ayon kay Libanan, naatasan sila na i-briefing si Vinny sa role at trabaho ng House Minority Bloc kung kaya’t nagkaroon sila ng pagpupulong.
Si Vinny Marcos ay nagtrabaho na bilang software engineer sa Singapore bago ito bumalik sa Pilipinas para tulungan si Pangulong Marcos sa kampanya nito noong 2022 elections.