Vintage polo ni late OPM rapper Francis M, naka-auction

Vintage polo ni late OPM rapper Francis M, naka-auction

NAKA-auction ngayon ang isang vintage polo ni late OPM rapper Francis Magalona.

Ayon kay Parokya ni Edgar frontman Chito Miranda, isa ito sa mga paraan para makalikom sila ng pera para sa kanilang gitaristang si Gab Chee Kee na nagpapagaling mula sa isang uri ng pneumonia.

Ang naturang vintage polo ay sinuot ni Francis M sa music video na ‘Bagsakan’.

Nilinaw ni Chito na pumayag si Maam Pia, ang asawa ni Francis M na mai-auction ang polo.

Kamakailan ay ibinenta rin sa isang fundraising auction ng OPM band na Eraserheads ang isang gitara na may autograph nila sa halagang 1.3 million pesos.

Ang kita ay para pa rin kay Gab.

Ayon sa Parokya ni Edgar, ang ibinentang D&D electric guitar ng Eraserheads ay mismong idinisenyo ni Gab.

Ang autograph naman na nasa-gitara ay mula sa Eraserheads members na sina Ely Buendia, Buddy Zabala, Marcus Adoro, at Raimund Marasigan.

 

 

Follow SMNI NEWS in Twitter