Pagtutok ng PNP sa high-profile killings at kriminalidad, tiniyak ng DILG

Pagtutok ng PNP sa high-profile killings at kriminalidad, tiniyak ng DILG

TINIYAK ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos, Jr. na nakatutok ang Philippine National Police (PNP) sa mga high-profile killing laban sa mga local officials.

Ayon kay Abalos, patuloy ang pagbabantay ng pulisya para siguruhin ang kaligtasan ng mga mamamayan.

Una nang nakipagpulong si Abalos kay House of Representative Speaker Martin Romualdez upang talakayin ang mga hakbang na ginagawa ng PNP para maresolba ang mga high profile killing at hingin ang suporta ng Kongreso para sa karagdagang pondo para sa pagpapalakas ng hanay ng pulisya.

Sinabi ni Abalos na kabilang sa mga hakbangin na inilatag ng DILG at PNP sa nasabing pakikipagpulong ang pagpapaigting ng paggamit sa teknolohiya sa paglaban sa kriminalidad; pag-review sa batas sa pagbebenta ng mga sasakyan; at pag-recruit ng mas maraming pulis sa mga darating na taon.

 

Follow SMNI NEWS in Instagram