IKINOKONSIDERA na ni vice presidential candidate Lito Atienza ang pag-atras sa VP race.
Ito ay halos isang buwan bago ang May 9 national and local elections.
Sa halip, isinusulong ni Atienza si Senate President Tito Sotto na maging katambal ng kanyang running mate na si presidential candidate Sen. Manny Pacquiao.
Gayunman, nanawagan ito ng pag-atras din ni Senator Ping Lacson sa presidential race.
Kaugnay nito, bukas naman si Pacquiao sa posibilidad na tambalang Manny-Sotto sakaling umatras si Atienza dahil sa kanyang problema sa binti.