VP at DepEd Sec. Sara Duterte, binisita ang Bangued North Elementary School

VP at DepEd Sec. Sara Duterte, binisita ang Bangued North Elementary School

BINISITA ni Vice President at Secretary of Education Sara Duterte ang Bangued North Elementary School sa Abra.

Ito ay kasabay ng selebrasyon ng National Teachers’ Day 2022 ngayong araw.

Bukod sa pagbisita sa paaralan, namahagi rin ng ‘PagbaBAGo’ kits at food packs sa mga mag-aaral at kanilang mga magulang o tagapangalaga, sa pangunguna ng Office of the Vice President.

Ang mga ‘PagbaBAGo’ kits ay naglalaman ng school at dental health supplies.

Ayon kay Maridel T. Filoteo School Information Coordinator ng Bangued North Elementary School na masayang-masaya ang buong eskwelahan na sila ang napiling nabisita.

Dagdag pa ni Filoteo na isang pribilehiyo na makita si VP Duterte at masabi ang kanilang mga concern.

Follow SMNI NEWS in Twitter