VP Sara, ibinahagi ang mga plano ng DepEd sa pagtutok sa mga benepisyo ng mga guro

VP Sara, ibinahagi ang mga plano ng DepEd sa pagtutok sa mga benepisyo ng mga guro

IBINAHAGI ni Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte ang mga plano ng ahensya sa pagtutok sa mga benepisyo ng mga guro.

Isa ito sa naging laman ng kaniyang talumpati bilang panauhing pandangal sa Kalinga 28th Founding Anniversary at 4th Bodong Festival sa Kalinga Astrodome, Tabuk City, Kalinga.

Ayon kay VP Duterte, kasalukuyang ina-update ng DepEd ang batas na Magna Carta for Public School Teachers.

Nakikipag-usap naman aniya ang ahensya sa Department of Health (DOH) ukol sa panawagan ng mga guro sa libreng medical check-up.

Para sa mga benepisyo ng mga guro, nakikipag-ugnayan na rin ang DepEd sa Government Service Insurance System (GSIS).

Dagdag pa ni VP Duterte, may koordinasyon na ang DepEd sa iba’t ibang grupo ng mga abogado para sa pagbigay ng free legal advice para sa mga teaching and non-teaching staff ng ahensya.

Inilahad din ni VP Duterte ang planong rehabilitasyon at muling pagpapatayo ng mga imprastraktura para sa mga paaralan sa buong bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter