VP Sara, igigiit ang soberanya kasunod ng desisyon ng SC

VP Sara, igigiit ang soberanya kasunod ng desisyon ng SC

Iginiit ni Vice President Sara Duterte na walang dayuhang bansa o korte ang dapat mangibabaw sa kapangyarihan at soberanya ng Pilipinas, kasunod ng desisyon ng SC o Supreme Court na ibasura ang mga petisyon para sa writ of habeas corpus kaugnay ng pagkakakulong ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa International Criminal Court (ICC).

Ayon kay VP Sara, dapat unahin ng pamahalaan ang pagprotekta sa buhay, kalayaan at karapatan ng bawat Pilipino.

Aniya, hindi dapat basta ibasura ng mga korte ang isang petisyon bilang moot o wala nang saysay, lalo na kung may kinalaman ito sa soberanya ng bansa at karapatan ng isang mamamayan.

Binigyang-diin din ni VP Sara na tungkulin ng pamahalaan na protektahan ang bawat Pilipino laban sa pakikialam ng mga dayuhang bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter