VP Sara, umaasang bababa ang krimen sa direktiba ni Marbil

VP Sara, umaasang bababa ang krimen sa direktiba ni Marbil

KINUMPIRMA ni Vice President Sara Duterte na tinanggal ni PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil ang 75 tauhan ng Philippine National Police (PNP) and security group na nakaatas sa proteksiyon ng pangalawang pangulo nitong Hulyo 22, 2024.

Kaya aniya umaasa siya na sa bagong direktiba ni Marbil ay mababawasan ang hinaing ng mga mamamayan hinggil sa paglaganap ng ilegal na droga at bababa ang bilang ng mga biktima ng iba’t ibang krimen.

“I do hope, however, that with this latest directive of the Chief PNP, we hear less cries from the people regarding the proliferation of drugs in the country, and that even fewer shall fall victim to various criminal activities,” ani VP Sara Duterte.

Sa kabila nito, tiniyak ni VP Sara na hindi makakaapekto sa kaniyang trabaho sa OVP ang nasabing direktiba.

“I want to assure the public that this order will not affect my work in the Office of the Vice President,” aniya.

Aniya, tuluy-tuloy siya sa kaniyang trabaho para makapaghatid ng serbisyo para sa taumbayan lalong-lalo na ang mga nasa liblib o underserved communities ng bansa.

“Tuluy-tuloy pa rin ang ating trabaho upang makapaghatid tayo ng serbisyo sa ating mga kababayan — lalong-lalo na sa mga liblib o underserved communities sa ating bansa,” sabi pa nito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble