Western Australia, gumastos ng $11-M para sa firefighting aircraft

Western Australia, gumastos ng $11-M para sa firefighting aircraft

GUMASTOS ng $11-M ang gobyerno ng Western Australia para lamang magrenta ng malaking air tanker na tutulong sa estado tuwing bushfire season.

Ayon kay Emergency Services Minister Stephen Dawson, ang malaking air tankers ay malaking tulong para labanan ang nakamamatay na mga sunog tuwing tag-init.

Noong Pebrero lamang, ang mga bumbero ay nahirapan na apulahin ang aabot sa apat na level 3 bushfires na nagdulot ng pagkasunog sa ilang parte ng estado.

Ang bagong air tanker ay may kapasidad na mamamahagi ng labinlimang libong litro ng retardant na malaking tulong naman para sa pag-apula sa mga bushfire sa estado.

Plano ng Western Australia na humiram ng aircraft mula Disyembre hanggang Marso hanggang dumating ang bushfire season.

Ayon sa emergency services, ang nagdaang fire season ay nagpapatunay ng malaking impact ng climate change sa bansa.

Matatandaan na ang bushfire crisis na tumama sa Australia mula Hunyo taong 2019 hanggang Pebrero 2020 ay nagdulot sa pagkasawi ng aabot sa tatlong bilyong hayop at ikinukunsiderang isa sa malalang wildlife disaster sa modernong kasaysayan.

Follow SMNI NEWS in Twitter