UMAASA ang World Health Organization (WHO) na hindi na magiging public health emergency sa 2023 ang COVID-19.
Sinabi ng WHO, hindi pa mawawala ang virus subalit ang inaasahan nila ay hindi na ito kailangan ng striktong pagmomonitor.
Bagamat mataas pa rin ang bilang ng COVID infections, ibinahagi ng WHO na mababa na ang bilang ng COVID-19 infections kung ikukumpara sa nakalipas na 2 taon.
Ang madalas na namamatay rin ayon sa WHO ay ang mga indibidwal na wala pang bakuna laban sa virus.