PINANGALANAN bilang 2023-2024 NBA Clutch Player of the Year ang Golden State Warriors all-star guard na si Stephen Curry.
Sa tala, umabot sa 189 ang clutch points ng basketbolista.
Ang itinuturing na “clutch situations” ay ang nalalabing limang minuto ng fourth quarter ng isang basketball game kung saan ang dalawang koponan ay mayroon lang ding point differential na limang puntos o mas mababa pa.
Sa rankings ay pumapangalawa sa kaniya si Demar Derozan ng Chicago Bulls.