Dwight Ramos, sasailalim sa surgery matapos nagkaroon ng eye injury

Dwight Ramos, sasailalim sa surgery matapos nagkaroon ng eye injury

SASAILALIM sa isang surgery si Dwight Ramos ngayong Huwebes, Abril 25, 2024 matapos nakapagtamo ng eye injury noong nakaraang linggo.

Sa pahayag ng Gilas Pilipinas, susunod dito ang mahaba-habang recovery period para kay Ramos.

Partikular na natamo ni Dwight ay orbital floor fracture sa kanan nitong mata.

Nangyari ang insidente sa naging laro ng Levanga Hokkaido kung saan import player si Ramos sa pagitan ng Utsunomiya Brex noong Abril 14, 2024.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble