Mga kaso laban sa nagtangkang magpuslit ng 84 gagamba mula Poland, inihahanda na

Mga kaso laban sa nagtangkang magpuslit ng 84 gagamba mula Poland, inihahanda na

INIHAHANDA na ang mga kaso laban sa nagtangkang magpuslit ng 84 gagamba mula Poland.

Ikinakasa na ng Bureau of Customs (BOC) ang isasampang kaso laban sa consignee ng mga buhay na spiderlings na tinangkang ipuslit sa Central Mail Exchange Center sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon sa BOC, nanggaling sa Poland ang 84 na buhay na spiderlings na idineklarang origami products ng hindi muna pinangalanang consignee mula sa Biñan, Laguna.

Nilinaw ng BOC na ang tangkang pagpupuslit ng buhay na gagamba o spiderlings ay paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act at Wildlife Resources Conservation and Protection Act.

Resulta aniya ito ng mas pinahigpit na kampanya laban sa smuggling kabilang ang exploitation of wildlife dahil bahagi ito ng pangangalaga sa national biosecurity at ecological balance.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble