Political dynasty ban, isusulong pa rin ni Sen. Padilla

Political dynasty ban, isusulong pa rin ni Sen. Padilla

ITUTULOY ni Sen. Robinhood Padilla ang panukala niyang magbabawal ng political dynasties sa bansa.

Inamin ng mambabatas na dahan-dahan itong gagawin dahil aniya, hindi maaaring biglaan ang pagbabago.

Lalo na’t ani Sen. Padilla, maraming dadaanan bago ito maisakatuparan.

Panimulang hakbang aniya dito ang pagkakaroon ng tamang local officials na handang magsakripisyo para mawala ang political dynasty.

Sa inihaing Resolution of Both Houses No. 5 ni Padilla, ipinapanukala nito ang pagkakaroon ng four-year term ng pangulo at pangalawang pangulo ng bansa.

Maaari din anila silang magkaroon ng reelection para sa isa pang termino.

Saklaw rin sa panukala ni Padilla ang pagboto ng presidential at vice-presidential candidates mula sa iisang partido.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble