MAGKAKAROON ng bawas-presyo sa mga produktong petrolyo simula Martes, Abril 30.
Inaasahang nasa 40-70 sentimos ang mababawas sa kada litro ng diesel habang nasa 20-50 sentimos naman ang mababawas sa kada litro ng gasolina.
Sa kerosene, magkakaroon ng 60 sentimos hanggang piso ang bawas-presyo sa kada litro.
Inaasahan naman ngayong araw ang anunsiyo ng mga kompanya ng langis para sa kanilang pinal na rollback sa kanilang mga produktong petrolyo.