IKINOKONSIDERA ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na isali sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang nasa 1.2M (1,184,768) na pamilya.
Sa ngayon ay nasa 400K na karagdagang pamilya na ang kwalipikado para sa programa at nasa 424K (424,317) na ang pinoproseso.
Sa ilalim ng 4Ps, makatatanggap ang bawat benepisyaryo ng P750 para sa kanilang medical needs; P300 sa bawat anak na nasa elementarya; P500 para sa bawat anak na nasa high school; at P700 para sa bawat anak na nasa senior high school.
Ang isang pamilya na sumusunod sa mga requirement ng 4Ps ay makatatanggap din ng P600 bilang monthly rice subsidy.