1-M pabahay kada taon ng Marcos admin, tinawag na “ambitious project”

1-M pabahay kada taon ng Marcos admin, tinawag na “ambitious project”

ISANG ambitious project kung tawagin ni former Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque ang 6 million housing project ng kasalukuyang administrasyon.

Ito’y matapos naiulat na nasa 140,000 pa lang ang naipatayo na pabahay hanggang ngayon, taliwas sa ipinangako ng gobyerno na 1 million housing units kada taon.

Kamakailan lang ay inanunsiyo ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) na mula sa anim na milyong housing units, nasa tatlong milyong pabahay na lamang ang inaasahan nilang magagawa sa ilalim ng administrasyong Marcos.

Ang tinuturong hadlang sa housing project ng administrasyon ay ang mabagal na pagpapalabas ng pondo mula sa pribadong sektor na tumutulong sa proyekto.

Kaugnay rito, inihalintulad ni Atty. Roque ang isang milyong pabahay sa pangako rin ng administrasyon na gagawing P20 presyo ng bawat kilo ng bigas.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble