“Pure Energy: One Last Time” concert ni Gary V, gaganapin na ngayong linggo

“Pure Energy: One Last Time” concert ni Gary V, gaganapin na ngayong linggo

GAGANAPIN na sa Abril 26 at 27 ang “Pure Energy: One Last Time” historic concert ni Gary Valenciano!

Ang venue nito ay sa SM Mall of Asia Arena.

Big-time rin ang makakasamang artists ni Gary dito gaya nina Bullet Dumas na siyang singer-songwriter na katuwang niya sa isang album.

Makakasama rin ni Mr. Pure Energy ang mga anak nito na sina Gabriel at Kiana at mga pamangkin nito na sina Gio at Lianna.

Ang P-pop boy group na BGYO at ang singer-songwriter na si Ebe Dancel, rapper na si Gloc9, at ang dancers na Maneuvres ay magpi-perform rin sa concert ni Gary V.

Sina Martin Nievera, Ben&Ben, Rayver Cruz, Julie Ann San Jose, Erik Santos, Karylle, Ice Seguerra, AC Bonifacio, Darren Espanto, Jona, at Zsa Zsa.

Ang concert ay bilang pagdiriwang sa ika-40 taon ni Gary V sa kaniyang career.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble