DUMATING na sa bansa ang biniling Sinovac COVID-19 vaccine mula China.
Ito ang unang batch na nabili ng Pilipinas na nagkahalagang P700 milyon.
Lulan ng Philippine Airlines all-cargo flight ang bagong CoronaVac vaccine na dumating kaninang alas 4:04 ng hapon.
Dahil dito ay umabot na sa halos 2.5 milyon ang kabuuang COVID-19 vaccine na dumating sa bansa kung saan 650,000 dito ay naibakuna na.
Ayon sa Department of Health (DOH), ang 1-M na dosis ng CoronaVac ay bahagi ng 25 milyon na binili ng bansa mula sa Sinovac Biotech.
Sinalubong ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagdating ng bakuna sa Villamor Airbase, Pasay.
Kabilang din sa sumalubong sina Vaccine Czar Carlito Galvez, Jr., Health Sec. Francisco Duque III, Sen. Bong Go, Chinese Ambassador Huang Xilian.
(BASAHIN: Duterte, dinepensahan ang kinuwestyong utang na pondo para sa COVID vaccine)