IPATATAYO ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang karagdagang 10,000 towers sa buong Pilipinas.
Hakbang ito upang mas mapalawak pa ang maabot ng internet connectivity lalong-lalo na sa malalayong lugar.
Sa datos, nasa 65% pa ng populasyon ng bansa ang hindi pa rin konektado sa internet kung kaya’t pinagsisikapan ngayon ng ahensiya na mapunan ito.
Samantala, sa kasalukuyan, ayon kay DICT Spokesperson Renato Paraiso, nasa 2.3-K (2,374) towers lang ang mayroon ang bansa.