100-meter sprint ng New Zealand, pasok na muli sa 2024 Paris Olympics matapos ang 50 taon

100-meter sprint ng New Zealand, pasok na muli sa 2024 Paris Olympics matapos ang 50 taon

KUWALIPIKADO muli sa Olympics Games sa unang pagkakataon ang New Zealand para sa 100-meter sprint matapos ang 50 taon.

Kasunod ito sa pagkapanalo ng babaeng atleta na si Zoe Hobbs sa isinagawang Continental Tour Challenger Meet sa Switzerland kamakailan.

Sa event, tinakbo lang ni Hobbs ang 100-meters sa loob ng 11.13 seconds.

Mismong si Hobbs ay hindi makapaniwala na magagawa niya ito.

Huling nakapasok ang New Zealand sa 100-meters event noong 1976 sa Montreal Summer Olympics.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter